2 Mga Hari 17

Palihim din silang gumawa ng mga bagay na hindi nakalulugod sa Panginoon na kanilang Diyos. Gumawa rin sila ng mga sambahan sa matataas na lugar sa lahat ng bayan mula sa pinakamaliit na nayon hanggang sa malalaking lungsod.

2 Kings 17:9 (UKJV) And the children of Israel did secretly those things that were not right against the LORD their God, and they built them high places in all their cities, from the tower of the watchmen to the fenced city.

7Nangyari ito sa mga taga-Israel dahil nagkasala sila sa Panginoon na kanilang Diyos na naglabas sa kanila sa Ehipto at nagpalaya mula sa kapangyarihan ng Faraon ng Ehipto. Sumamba sila sa mga diyos-diyosan

8at ginaya nila ang mga kasuklam-suklam na ginagawa ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan nila. Sumunod din sila sa kasuklam-suklam na pamumuhay ng mga hari nila.

9Palihim din silang gumawa ng mga bagay na hindi nakalulugod sa Panginoon na kanilang Diyos. Gumawa rin sila ng mga sambahan sa matataas na lugar sa lahat ng bayan mula sa pinakamaliit na nayon hanggang sa malalaking lungsod.

10Nagpatayo sila ng mga alaalang bato at mga posteng imahen ng diyosang si Ashera sa ibabaw ng bawat matataas na burol at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy.

11Nagsunog sila ng mga insenso sa bawat sambahan sa matataas na lugar katulad ng ginagawa ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan nila. Gumawa sila ng mga kasuklam-suklam na bagay na nakapagpagalit sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.