12Nakita ito ni Eliseo at sumigaw siya, “Ama ko! Ama ko! Ang mga karwahe at mangangabayo ng Israel!” At hindi na niya nakita pa si Elias. Pagkatapos, pinunit niya ang kanyang damit dahil sa kalungkutan.
13Dinampot niya ang balabal ni Elias na nahulog, at bumalik siya sa dalampasigan ng Ilog Jordan at tumayo roon.
14Hinampas niya ang tubig ng balabal ni Elias at sinabi, “Nasaan na ang Panginoon, ang Diyos ni Elias?” Nang ginawa niya iyon, nahawi ang tubig at tumawid siya.
15Nang makita ito ng grupo ng mga propeta na galing sa Jerico, sinabi nila, “Ang kapangyarihan ni Elias ay sumasakanya.” Kaya sinalubong nila si Eliseo at yumukod sila.
16Sinabi nila, “May kasama kaming limampung malalakas na tao. Hayaan mong hanapin nila ang iyong guro. Baka dinala lang siya ng Espiritu ng Panginoon sa isang bundok o sa isang lambak.” Sumagot si Eliseo, “Huwag na ninyo silang suguin.”