2 Mga Hari 2

Sinabi nila, “May kasama kaming limampung malalakas na tao. Hayaan mong hanapin nila ang iyong guro. Baka dinala lang siya ng Espiritu ng Panginoon sa isang bundok o sa isang lambak.” Sumagot si Eliseo, “Huwag na ninyo silang suguin.”

2 Kings 2:16 (UKJV) And they said unto him, Behold now, there be with your servants fifty strong men; let them go, we pray you, and seek your master: lest possibly the Spirit of the LORD has taken him up, and cast him upon some mountain, or into some valley. And he said, All of you shall not send.

14Hinampas niya ang tubig ng balabal ni Elias at sinabi, “Nasaan na ang Panginoon, ang Diyos ni Elias?” Nang ginawa niya iyon, nahawi ang tubig at tumawid siya.

15Nang makita ito ng grupo ng mga propeta na galing sa Jerico, sinabi nila, “Ang kapangyarihan ni Elias ay sumasakanya.” Kaya sinalubong nila si Eliseo at yumukod sila.

16Sinabi nila, “May kasama kaming limampung malalakas na tao. Hayaan mong hanapin nila ang iyong guro. Baka dinala lang siya ng Espiritu ng Panginoon sa isang bundok o sa isang lambak.” Sumagot si Eliseo, “Huwag na ninyo silang suguin.”

17Ngunit nagpumilit sila hanggang sa nahiya na lang siyang tumanggi. Kaya sinabi niya, “Sige, suguin nʼyo sila.” Kaya inutusan nila ang limampung katao at sa loob ng tatlong araw ay hinanap nila si Elias, ngunit hindi nila ito nakita.

18Pagbalik nila kay Eliseo, na nasa Jerico pa, sinabi ni Eliseo sa kanila, “Hindi baʼt sinabi ko sa inyong huwag na kayong maghanap?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.