2 Mga Hari 2

Ngunit nagpumilit sila hanggang sa nahiya na lang siyang tumanggi. Kaya sinabi niya, “Sige, suguin nʼyo sila.” Kaya inutusan nila ang limampung katao at sa loob ng tatlong araw ay hinanap nila si Elias, ngunit hindi nila ito nakita.

2 Kings 2:17 (UKJV) And when they urged him till he was ashamed, he said, Send. They sent therefore fifty men; and they sought three days, but found him not.

15Nang makita ito ng grupo ng mga propeta na galing sa Jerico, sinabi nila, “Ang kapangyarihan ni Elias ay sumasakanya.” Kaya sinalubong nila si Eliseo at yumukod sila.

16Sinabi nila, “May kasama kaming limampung malalakas na tao. Hayaan mong hanapin nila ang iyong guro. Baka dinala lang siya ng Espiritu ng Panginoon sa isang bundok o sa isang lambak.” Sumagot si Eliseo, “Huwag na ninyo silang suguin.”

17Ngunit nagpumilit sila hanggang sa nahiya na lang siyang tumanggi. Kaya sinabi niya, “Sige, suguin nʼyo sila.” Kaya inutusan nila ang limampung katao at sa loob ng tatlong araw ay hinanap nila si Elias, ngunit hindi nila ito nakita.

18Pagbalik nila kay Eliseo, na nasa Jerico pa, sinabi ni Eliseo sa kanila, “Hindi baʼt sinabi ko sa inyong huwag na kayong maghanap?”

19Ang mga tao sa lungsod ng Jerico ay nagsabi kay Eliseo, “Ginoo, nakikita naman po ninyo na maganda ang kinatatayuan ng aming lugar, ngunit hindi maganda ang tubig at walang tumutubong pananim sa lupain.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.