2 Mga Hari 2

Ang mga tao sa lungsod ng Jerico ay nagsabi kay Eliseo, “Ginoo, nakikita naman po ninyo na maganda ang kinatatayuan ng aming lugar, ngunit hindi maganda ang tubig at walang tumutubong pananim sa lupain.”

2 Kings 2:19 (UKJV) And the men of the city said unto Elisha, Behold, I pray you, the situation of this city is pleasant, as my lord sees: but the water is nil, and the ground barren.

17Ngunit nagpumilit sila hanggang sa nahiya na lang siyang tumanggi. Kaya sinabi niya, “Sige, suguin nʼyo sila.” Kaya inutusan nila ang limampung katao at sa loob ng tatlong araw ay hinanap nila si Elias, ngunit hindi nila ito nakita.

18Pagbalik nila kay Eliseo, na nasa Jerico pa, sinabi ni Eliseo sa kanila, “Hindi baʼt sinabi ko sa inyong huwag na kayong maghanap?”

19Ang mga tao sa lungsod ng Jerico ay nagsabi kay Eliseo, “Ginoo, nakikita naman po ninyo na maganda ang kinatatayuan ng aming lugar, ngunit hindi maganda ang tubig at walang tumutubong pananim sa lupain.”

20Sinabi ni Eliseo, “Dalhan nʼyo ako ng bagong mangkok at lagyan ito ng asin.” Kaya siyaʼy dinalhan nila nito.

21Pumunta siya sa bukal at inihagis doon ang asin at sinabi, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Nilinis ko na ang tubig na ito. At mula ngayon, hindi na ito magiging sanhi ng kamatayan o hindi pagtubo ng mga pananim.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.