2 Mga Hari 2

Pumunta siya sa bukal at inihagis doon ang asin at sinabi, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Nilinis ko na ang tubig na ito. At mula ngayon, hindi na ito magiging sanhi ng kamatayan o hindi pagtubo ng mga pananim.”

2 Kings 2:21 (UKJV) And he went forth unto the spring of the waters, and cast the salt in there, and said, Thus says the LORD, I have healed these waters; there shall not be from thence any more death or barren land.

19Ang mga tao sa lungsod ng Jerico ay nagsabi kay Eliseo, “Ginoo, nakikita naman po ninyo na maganda ang kinatatayuan ng aming lugar, ngunit hindi maganda ang tubig at walang tumutubong pananim sa lupain.”

20Sinabi ni Eliseo, “Dalhan nʼyo ako ng bagong mangkok at lagyan ito ng asin.” Kaya siyaʼy dinalhan nila nito.

21Pumunta siya sa bukal at inihagis doon ang asin at sinabi, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Nilinis ko na ang tubig na ito. At mula ngayon, hindi na ito magiging sanhi ng kamatayan o hindi pagtubo ng mga pananim.”

22Mula noon, naging malinis na ang tubig, ayon sa sinabi ni Eliseo na mangyayari.

23Umalis si Eliseo sa Jerico at pumunta sa Betel. Habang naglalakad siya sa daan, may mga kabataan na nanggaling sa isang bayan at ininsulto siya. Sinabi nila, “Umalis ka rito, panot! Umalis ka rito, panot!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.