2 Mga Hari 2

Mula noon, naging malinis na ang tubig, ayon sa sinabi ni Eliseo na mangyayari.

2 Kings 2:22 (UKJV) So the waters were healed unto this day, according to the saying of Elisha which he spoke.

20Sinabi ni Eliseo, “Dalhan nʼyo ako ng bagong mangkok at lagyan ito ng asin.” Kaya siyaʼy dinalhan nila nito.

21Pumunta siya sa bukal at inihagis doon ang asin at sinabi, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Nilinis ko na ang tubig na ito. At mula ngayon, hindi na ito magiging sanhi ng kamatayan o hindi pagtubo ng mga pananim.”

22Mula noon, naging malinis na ang tubig, ayon sa sinabi ni Eliseo na mangyayari.

23Umalis si Eliseo sa Jerico at pumunta sa Betel. Habang naglalakad siya sa daan, may mga kabataan na nanggaling sa isang bayan at ininsulto siya. Sinabi nila, “Umalis ka rito, panot! Umalis ka rito, panot!”

24Lumingon si Eliseo, tinitigan niya ang mga ito at isinumpa sa pangalan ng Panginoon. Pagkatapos, may dalawang babaeng oso na lumabas galing sa gubat at nilapa ang apatnapuʼt dalawang kabataan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.