2 Mga Hari 2

Nang makita ito ng grupo ng mga propeta na galing sa Jerico, sinabi nila, “Ang kapangyarihan ni Elias ay sumasakanya.” Kaya sinalubong nila si Eliseo at yumukod sila.

2 Kings 2:15 (UKJV) And when the sons of the prophets which were to view at Jericho saw him, they said, The spirit of Elijah does rest on Elisha. And they came to meet him, and bowed themselves to the ground before him.

13Dinampot niya ang balabal ni Elias na nahulog, at bumalik siya sa dalampasigan ng Ilog Jordan at tumayo roon.

14Hinampas niya ang tubig ng balabal ni Elias at sinabi, “Nasaan na ang Panginoon, ang Diyos ni Elias?” Nang ginawa niya iyon, nahawi ang tubig at tumawid siya.

15Nang makita ito ng grupo ng mga propeta na galing sa Jerico, sinabi nila, “Ang kapangyarihan ni Elias ay sumasakanya.” Kaya sinalubong nila si Eliseo at yumukod sila.

16Sinabi nila, “May kasama kaming limampung malalakas na tao. Hayaan mong hanapin nila ang iyong guro. Baka dinala lang siya ng Espiritu ng Panginoon sa isang bundok o sa isang lambak.” Sumagot si Eliseo, “Huwag na ninyo silang suguin.”

17Ngunit nagpumilit sila hanggang sa nahiya na lang siyang tumanggi. Kaya sinabi niya, “Sige, suguin nʼyo sila.” Kaya inutusan nila ang limampung katao at sa loob ng tatlong araw ay hinanap nila si Elias, ngunit hindi nila ito nakita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.