2 Mga Hari 23

Walang naging katulad ang pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel mula pa nang panahon ng mga pinuno na namahala sa Israel at nang panahon ng mga hari ng Israel at Juda.

2 Kings 23:22 (UKJV) Surely there was not held such a passover from the days of the judges that judged Israel, nor in all the days of the kings of Israel, nor of the kings of Judah;

20Pinatay ni Josias ang lahat ng pari roon mismo sa mga altar ng mga sambahan na iyon. At sinunog niya ang buto ng mga tao sa mga altar na iyon para dungisan ito. Pagkatapos, bumalik siya sa Jerusalem.

21Inutusan ni Josias ang lahat ng tao, “Ipagdiwang natin ang Pista ng Paglampas ng Anghel para parangalan ang Panginoon na ating Diyos, ayon sa nakasulat dito sa Aklat ng Kasunduan ng Diyos.”

22Walang naging katulad ang pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel mula pa nang panahon ng mga pinuno na namahala sa Israel at nang panahon ng mga hari ng Israel at Juda.

23Ipinagdiwang nila ang pista sa Jerusalem para parangalan ang Panginoon nang ikalabingwalong taóng paghahari ni Josias.

24Pinalayas din ni Josias sa Jerusalem at sa buong Juda ang mga espiritista na nakikipag-usap sa mga kaluluwa ng patay, ang mga diyos ng mga tahanan, ang iba pang mga diyos-diyosan at ang lahat ng kasuklam-suklam na sinasamba ng mga tao. Ginawa ito ni Josias para tuparin ang mga utos na nakasulat sa aklat na nakita ng paring si Hilkias sa Templo ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.