22Sumagot si Eliseo, “Huwag mo silang patayin. Pinapatay ba natin ang mga bihag sa labanan? Bigyan mo sila ng makakain at maiinom at pabalikin mo sila sa kanilang hari.”
23Kaya naghanda ang hari ng isang malaking salo-salo para sa kanila at pagkatapos, pinauwi sila sa kanilang hari. At mula noon, hindi na muling lumusob ang mga Arameo sa lupain ng Israel.
24Ngunit kinalaunan, tinipon ni Haring Ben-hadad ng Aram ang kanyang buong hukbo, at nilusob ang Samaria.
25Dahil dito, nagkaroon ng malaking taggutom sa lungsod, hanggang sa tumaas ang mga bilihin. Ang halaga ng ulo ng asno ay walumpung pirasong pilak at ang isang gatang na dumi ng kalapati ay limang pirasong pilak.
26Isang araw, habang naglalakad ang hari ng Israel sa itaas ng pader, may isang babaeng sumigaw sa kanya, “Tulungan po ninyo ako, Mahal na Hari!”