24Ngunit kinalaunan, tinipon ni Haring Ben-hadad ng Aram ang kanyang buong hukbo, at nilusob ang Samaria.
25Dahil dito, nagkaroon ng malaking taggutom sa lungsod, hanggang sa tumaas ang mga bilihin. Ang halaga ng ulo ng asno ay walumpung pirasong pilak at ang isang gatang na dumi ng kalapati ay limang pirasong pilak.
26Isang araw, habang naglalakad ang hari ng Israel sa itaas ng pader, may isang babaeng sumigaw sa kanya, “Tulungan po ninyo ako, Mahal na Hari!”
27Sumagot ang hari, “Kung hindi ka tinutulungan ng Panginoon, paano kita matutulungan? Wala akong trigo o alak na maibibigay sa iyo.”
28Pagkatapos nagtanong ang hari, “Ano ba ang problema mo?” Sumagot ang babae, “Sinabi po sa akin ng babaeng ito, ‘Kainin natin ang iyong anak ngayon at bukas naman ay ang aking anak.’