2 Mga Hari 6

Dahil dito, nagkaroon ng malaking taggutom sa lungsod, hanggang sa tumaas ang mga bilihin. Ang halaga ng ulo ng asno ay walumpung pirasong pilak at ang isang gatang na dumi ng kalapati ay limang pirasong pilak.

2 Kings 6:25 (UKJV) And there was a great famine in Samaria: and, behold, they besieged it, until an ass's head was sold for fourscore pieces of silver, and the fourth part of a cab of dove's dung for five pieces of silver.

23Kaya naghanda ang hari ng isang malaking salo-salo para sa kanila at pagkatapos, pinauwi sila sa kanilang hari. At mula noon, hindi na muling lumusob ang mga Arameo sa lupain ng Israel.

24Ngunit kinalaunan, tinipon ni Haring Ben-hadad ng Aram ang kanyang buong hukbo, at nilusob ang Samaria.

25Dahil dito, nagkaroon ng malaking taggutom sa lungsod, hanggang sa tumaas ang mga bilihin. Ang halaga ng ulo ng asno ay walumpung pirasong pilak at ang isang gatang na dumi ng kalapati ay limang pirasong pilak.

26Isang araw, habang naglalakad ang hari ng Israel sa itaas ng pader, may isang babaeng sumigaw sa kanya, “Tulungan po ninyo ako, Mahal na Hari!”

27Sumagot ang hari, “Kung hindi ka tinutulungan ng Panginoon, paano kita matutulungan? Wala akong trigo o alak na maibibigay sa iyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.