2 Mga Hari 9

Samantala, ipinatawag naman ni Eliseo ang isa sa miyembro ng grupo ng mga propeta at sinabi, “Maghanda ka, dalhin mo ang lalagyan ng langis, at pumunta ka sa Ramot-gilead.

2 Kings 9:1 (UKJV) And Elisha the prophet called one of the children of the prophets, and said unto him, Gird up your loins, and take this box of oil in yours hand, and go to Ramothgilead:

1Samantala, ipinatawag naman ni Eliseo ang isa sa miyembro ng grupo ng mga propeta at sinabi, “Maghanda ka, dalhin mo ang lalagyan ng langis, at pumunta ka sa Ramot-gilead.

2Pagdating mo roon, hanapin mo si Jehu na anak ni Jehoshafat na apo ni Nimsi. Ilayo mo siya sa mga kasama niya at dalhin mo sa isang kuwarto nang dalawa lang kayo.

3Pagkatapos, kunin mo ang langis, ibuhos mo sa ulo niya at sabihin, ‘Ito ang sinasabi ng Panginoon: Pinili kitang maging hari ng Israel.’ Pagkatapos, buksan mo ang pintuan at bilisan mong umalis; huwag kang tumagal.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.