2 Mga Hari 9

Pagkatapos, kunin mo ang langis, ibuhos mo sa ulo niya at sabihin, ‘Ito ang sinasabi ng Panginoon: Pinili kitang maging hari ng Israel.’ Pagkatapos, buksan mo ang pintuan at bilisan mong umalis; huwag kang tumagal.”

2 Kings 9:3 (UKJV) Then take the box of oil, and pour it on his head, and say, Thus says the LORD, I have anointed you king over Israel. Then open the door, and flee, and tarry not.

1Samantala, ipinatawag naman ni Eliseo ang isa sa miyembro ng grupo ng mga propeta at sinabi, “Maghanda ka, dalhin mo ang lalagyan ng langis, at pumunta ka sa Ramot-gilead.

2Pagdating mo roon, hanapin mo si Jehu na anak ni Jehoshafat na apo ni Nimsi. Ilayo mo siya sa mga kasama niya at dalhin mo sa isang kuwarto nang dalawa lang kayo.

3Pagkatapos, kunin mo ang langis, ibuhos mo sa ulo niya at sabihin, ‘Ito ang sinasabi ng Panginoon: Pinili kitang maging hari ng Israel.’ Pagkatapos, buksan mo ang pintuan at bilisan mong umalis; huwag kang tumagal.”

4Kaya pumunta ang binatang propeta sa Ramot-gilead.

5Pagdating niya roon, nakita niyang nakaupo ang mga opisyal na mga sundalo. Sinabi niya, “May mensahe po ako para sa inyo, mahal na pinuno.” Nagtanong si Jehu, “Para kanino ʼyan?” Sumagot ang tao, “Para po sa inyo, mahal na pinuno.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.