2 Mga Hari 9

Pagdating mo roon, hanapin mo si Jehu na anak ni Jehoshafat na apo ni Nimsi. Ilayo mo siya sa mga kasama niya at dalhin mo sa isang kuwarto nang dalawa lang kayo.

2 Kings 9:2 (UKJV) And when you come thither, look out there Jehu the son of Jehoshaphat the son of Nimshi, and go in, and make him arise up from among his brethren, and carry him to an inner chamber;

1Samantala, ipinatawag naman ni Eliseo ang isa sa miyembro ng grupo ng mga propeta at sinabi, “Maghanda ka, dalhin mo ang lalagyan ng langis, at pumunta ka sa Ramot-gilead.

2Pagdating mo roon, hanapin mo si Jehu na anak ni Jehoshafat na apo ni Nimsi. Ilayo mo siya sa mga kasama niya at dalhin mo sa isang kuwarto nang dalawa lang kayo.

3Pagkatapos, kunin mo ang langis, ibuhos mo sa ulo niya at sabihin, ‘Ito ang sinasabi ng Panginoon: Pinili kitang maging hari ng Israel.’ Pagkatapos, buksan mo ang pintuan at bilisan mong umalis; huwag kang tumagal.”

4Kaya pumunta ang binatang propeta sa Ramot-gilead.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.