18Nagpadala si Joab ng balita kay David tungkol sa lahat ng nangyari sa labanan.
19Sinabi niya sa mensahero, “Pagkatapos mong sabihin sa hari ang nangyari sa labanan,
20maaaring magalit siya at tanungin ka, ‘Bakit masyado kayong lumapit sa lungsod habang nakikipaglaban? Hindi nʼyo ba naiisip na maaari nila kayong mapana mula sa pader?
21Hindi ba ninyo naaalala kung paano namatay si Abimelec na anak ni Jerub-beshet sa Tebez? Hindi baʼt hinulugan siya ng isang babae ng gilingang bato mula sa itaas ng pader, at namatay siya? Bakit lumapit kayo sa pader?’ Kung magtatanong siya nang ganito, sabihin mo sa kanya, ‘Namatay din po ang lingkod ninyong si Urias na Heteo.’ ”
22Lumakad ang mensahero, at pagdating niya kay David sinabi niya rito ang lahat ng ipinasasabi ni Joab.