2 Samuel 18

Sinabi ng anak ni Sadoc na si Ahimaaz, kay Joab, “Payagan mo akong pumunta sa hari para ibalita sa kanya na iniligtas siya ng Panginoon sa mga kalaban niya.”

2 Samuel 18:19 (UKJV) Then said Ahimaaz the son of Zadok, Let me now run, and bear the king tidings, how that the LORD has avenged him of his enemies.

17Kinuha nila ang bangkay ni Absalom at inihulog sa malalim na hukay sa kagubatan, at tinabunan ito ng napakaraming malalaking tipak ng bato. Samantala, tumakas pauwi ang lahat ng sundalo ng Israel.

18Noong buháy pa si Absalom, nagpatayo siya ng monumento para sa sarili niya sa Lambak ng Hari, dahil wala siyang anak na lalaki na magdadala ng pangalan niya. Tinawag niya itong “Monumento ni Absalom,” at hanggang ngayon, ito pa rin ang tawag dito.

19Sinabi ng anak ni Sadoc na si Ahimaaz, kay Joab, “Payagan mo akong pumunta sa hari para ibalita sa kanya na iniligtas siya ng Panginoon sa mga kalaban niya.”

20Sinabi ni Joab, “Hindi ka magbabalita sa hari sa araw na ito. Puwede sa ibang araw, pero hindi ngayon, dahil namatay ang anak ng hari.”

21Sinabi ni Joab sa isang taong galing sa Etiopia, “Puntahan mo si Haring David at sabihin mo ang nakita mo.” Yumukod muna ito kay Joab bago patakbong umalis.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.