2 Samuel 18

Sinabi ni Joab sa isang taong galing sa Etiopia, “Puntahan mo si Haring David at sabihin mo ang nakita mo.” Yumukod muna ito kay Joab bago patakbong umalis.

2 Samuel 18:21 (UKJV) Then said Joab to Cushi, Go tell the king what you have seen. And Cushi bowed himself unto Joab, and ran.

19Sinabi ng anak ni Sadoc na si Ahimaaz, kay Joab, “Payagan mo akong pumunta sa hari para ibalita sa kanya na iniligtas siya ng Panginoon sa mga kalaban niya.”

20Sinabi ni Joab, “Hindi ka magbabalita sa hari sa araw na ito. Puwede sa ibang araw, pero hindi ngayon, dahil namatay ang anak ng hari.”

21Sinabi ni Joab sa isang taong galing sa Etiopia, “Puntahan mo si Haring David at sabihin mo ang nakita mo.” Yumukod muna ito kay Joab bago patakbong umalis.

22Muling sinabi ni Ahimaaz kay Joab, “Kahit ano pa ang mangyari, ipahintulot nʼyo po sanang sumunod ako sa taong taga-Etiopia.” Sinabi ni Joab, “Bakit mo naman ito gustong gawin, anak? Wala ka namang maibabalita na magdudulot ng gantimpala saʼyo.”

23Sinabi ni Ahimaaz, “Kahit anong mangyari, aalis ako.” Kaya sinabi ni Joab sa kanya, “Sige, umalis ka!” Kaya tumakbo si Ahimaaz at tinahak ang daan papuntang kapatagan ng Jordan, at naunahan pa niya ang taong taga-Etiopia.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.