2 Samuel 19

Uuwi na lang po ako, upang kapag namatay ako, doon ako mamamatay sa sarili kong bayan, kung saan inilibing ang aking mga magulang. Narito ang anak kong si Kimham na magsisilbi sa inyo. Isama nʼyo po siya, mahal na hari at gawin nʼyo po kung ano sa tingin ninyo ang makakabuti sa kanya.”

2 Samuel 19:37 (UKJV) Let your servant, I pray you, turn back again, that I may die in mine own city, and be buried by the grave of my father and of my mother. But behold your servant Chimham; let him go over with my lord the king; and do to him what shall seem good unto you.

35Ako po ay walumpung taóng gulang na, at hindi ko na malaman ang ipinagkaiba ng masarap at hindi masarap. Hindi ko na malasahan ang kinakain at iniinom ko. Hindi ko na marinig ang mga umaawit. Magiging pabigat lang ako sa inyo, mahal na hari.

36Maliit na bagay lang po ang paghahatid ko sa inyo sa kabila ng ilog Jordan, bakit kailangan nʼyo pa akong gantihan ng ganitong gantimpala?

37Uuwi na lang po ako, upang kapag namatay ako, doon ako mamamatay sa sarili kong bayan, kung saan inilibing ang aking mga magulang. Narito ang anak kong si Kimham na magsisilbi sa inyo. Isama nʼyo po siya, mahal na hari at gawin nʼyo po kung ano sa tingin ninyo ang makakabuti sa kanya.”

38Sumagot ang hari, “Isasama ko siya at gagawin ko sa kanya ang anumang kabutihang gagawin ko sana saʼyo, at gagawin ko ang anumang hilingin mo sa akin.”

39Niyakap ni Haring David si Barzilai at binasbasan. Pagkatapos, tumawid ang hari at ang mga tauhan niya sa Ilog Jordan, at bumalik naman si Barzilai sa bahay niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.