2 Samuel 19

Sumagot ang hari, “Isasama ko siya at gagawin ko sa kanya ang anumang kabutihang gagawin ko sana saʼyo, at gagawin ko ang anumang hilingin mo sa akin.”

2 Samuel 19:38 (UKJV) And the king answered, Chimham shall go over with me, and I will do to him that which shall seem good unto you: and whatsoever you shall require of me, that will I do for you.

36Maliit na bagay lang po ang paghahatid ko sa inyo sa kabila ng ilog Jordan, bakit kailangan nʼyo pa akong gantihan ng ganitong gantimpala?

37Uuwi na lang po ako, upang kapag namatay ako, doon ako mamamatay sa sarili kong bayan, kung saan inilibing ang aking mga magulang. Narito ang anak kong si Kimham na magsisilbi sa inyo. Isama nʼyo po siya, mahal na hari at gawin nʼyo po kung ano sa tingin ninyo ang makakabuti sa kanya.”

38Sumagot ang hari, “Isasama ko siya at gagawin ko sa kanya ang anumang kabutihang gagawin ko sana saʼyo, at gagawin ko ang anumang hilingin mo sa akin.”

39Niyakap ni Haring David si Barzilai at binasbasan. Pagkatapos, tumawid ang hari at ang mga tauhan niya sa Ilog Jordan, at bumalik naman si Barzilai sa bahay niya.

40Nang makatawid na si Haring David, pumunta siya sa Gilgal kasama si Kimham at ang buong hukbo ng Juda at kalahati ng hukbo ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.