2 Samuel 24

Muling nagalit ang Panginoon sa mga Israelita, kaya ginamit niya si David laban sa kanila. Sinabi niya, “Isensus mo ang mga mamamayan ng Israel at Juda.”

2 Samuel 24:1 (UKJV) And again the anger of the LORD was kindled against Israel, and he moved David against them to say, Go, number Israel and Judah.

1Muling nagalit ang Panginoon sa mga Israelita, kaya ginamit niya si David laban sa kanila. Sinabi niya, “Isensus mo ang mga mamamayan ng Israel at Juda.”

2Kaya sinabi ni Haring David kay Joab at sa mga kumander ng mga sundalo, “Puntahan nʼyo ang lahat ng lahi ng Israel, mula Dan hanggang Beer-seba, at isensus nʼyo ang mga mamamayan, upang malaman ko kung ilan silang lahat.”

3Ngunit sumagot si Joab sa hari, “Paramihin sana ng Panginoon na inyong Diyos ang mga tauhan nʼyo ng isandaang beses, at makita nʼyo sana ito. Ngunit, Mahal na Hari, bakit gusto nʼyong gawin ang bagay na ito?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.