2 Samuel 24

Ngunit sumagot si Joab sa hari, “Paramihin sana ng Panginoon na inyong Diyos ang mga tauhan nʼyo ng isandaang beses, at makita nʼyo sana ito. Ngunit, Mahal na Hari, bakit gusto nʼyong gawin ang bagay na ito?”

2 Samuel 24:3 (UKJV) And Joab said unto the king, Now the LORD your God add unto the people, no matter how many they be, an hundredfold, and that the eyes of my lord the king may see it: but why does my lord the king delight in this thing?

1Muling nagalit ang Panginoon sa mga Israelita, kaya ginamit niya si David laban sa kanila. Sinabi niya, “Isensus mo ang mga mamamayan ng Israel at Juda.”

2Kaya sinabi ni Haring David kay Joab at sa mga kumander ng mga sundalo, “Puntahan nʼyo ang lahat ng lahi ng Israel, mula Dan hanggang Beer-seba, at isensus nʼyo ang mga mamamayan, upang malaman ko kung ilan silang lahat.”

3Ngunit sumagot si Joab sa hari, “Paramihin sana ng Panginoon na inyong Diyos ang mga tauhan nʼyo ng isandaang beses, at makita nʼyo sana ito. Ngunit, Mahal na Hari, bakit gusto nʼyong gawin ang bagay na ito?”

4Ngunit nagpumilit ang hari, kaya lumakad si Joab at ang mga opisyal ng mga sundalo para isensus ang mga mamamayan ng Israel.

5Tumawid sila sa Ilog Jordan at sinimulan ang pagsensus sa Aroer, timog ng bayan na nasa gilid ng daluyan ng tubig. Mula roon dumiretso sila sa Gad hanggang sa Jazer.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.