2 Samuel 24

Tumawid sila sa Ilog Jordan at sinimulan ang pagsensus sa Aroer, timog ng bayan na nasa gilid ng daluyan ng tubig. Mula roon dumiretso sila sa Gad hanggang sa Jazer.

2 Samuel 24:5 (UKJV) And they passed over Jordan, and pitched in Aroer, on the right side of the city that lies in the midst of the river of Gad, and toward Jazer:

3Ngunit sumagot si Joab sa hari, “Paramihin sana ng Panginoon na inyong Diyos ang mga tauhan nʼyo ng isandaang beses, at makita nʼyo sana ito. Ngunit, Mahal na Hari, bakit gusto nʼyong gawin ang bagay na ito?”

4Ngunit nagpumilit ang hari, kaya lumakad si Joab at ang mga opisyal ng mga sundalo para isensus ang mga mamamayan ng Israel.

5Tumawid sila sa Ilog Jordan at sinimulan ang pagsensus sa Aroer, timog ng bayan na nasa gilid ng daluyan ng tubig. Mula roon dumiretso sila sa Gad hanggang sa Jazer.

6Pumunta rin sila sa Gilead, sa Tatim Hodsi, sa Dan Jaan, at umikot sila papuntang Sidon.

7Pagkatapos, pumunta sila sa napapaderang lungsod ng Tiro, at sa lahat ng bayan ng mga Heveo at Cananeo, at sa kahuli-hulihan, nagpunta sila sa Beer-seba, sa timog ng Juda.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.