2 Samuel 24

Pumunta rin sila sa Gilead, sa Tatim Hodsi, sa Dan Jaan, at umikot sila papuntang Sidon.

2 Samuel 24:6 (UKJV) Then they came to Gilead, and to the land of Tahtimhodshi; and they came to Danjaan, and about to Zidon,

4Ngunit nagpumilit ang hari, kaya lumakad si Joab at ang mga opisyal ng mga sundalo para isensus ang mga mamamayan ng Israel.

5Tumawid sila sa Ilog Jordan at sinimulan ang pagsensus sa Aroer, timog ng bayan na nasa gilid ng daluyan ng tubig. Mula roon dumiretso sila sa Gad hanggang sa Jazer.

6Pumunta rin sila sa Gilead, sa Tatim Hodsi, sa Dan Jaan, at umikot sila papuntang Sidon.

7Pagkatapos, pumunta sila sa napapaderang lungsod ng Tiro, at sa lahat ng bayan ng mga Heveo at Cananeo, at sa kahuli-hulihan, nagpunta sila sa Beer-seba, sa timog ng Juda.

8Nalibot nila ang buong bansa sa loob ng siyam na buwan at dalawampung araw, at pagkatapos, bumalik sila sa Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.