2 Samuel 24

Pagkatapos, pumunta sila sa napapaderang lungsod ng Tiro, at sa lahat ng bayan ng mga Heveo at Cananeo, at sa kahuli-hulihan, nagpunta sila sa Beer-seba, sa timog ng Juda.

2 Samuel 24:7 (UKJV) And came to the strong hold of Tyre, and to all the cities of the Hivites, and of the Canaanites: and they went out to the south of Judah, even to Beersheba.

5Tumawid sila sa Ilog Jordan at sinimulan ang pagsensus sa Aroer, timog ng bayan na nasa gilid ng daluyan ng tubig. Mula roon dumiretso sila sa Gad hanggang sa Jazer.

6Pumunta rin sila sa Gilead, sa Tatim Hodsi, sa Dan Jaan, at umikot sila papuntang Sidon.

7Pagkatapos, pumunta sila sa napapaderang lungsod ng Tiro, at sa lahat ng bayan ng mga Heveo at Cananeo, at sa kahuli-hulihan, nagpunta sila sa Beer-seba, sa timog ng Juda.

8Nalibot nila ang buong bansa sa loob ng siyam na buwan at dalawampung araw, at pagkatapos, bumalik sila sa Jerusalem.

9Sinabi niya kay Haring David ang bilang ng mga lalaki na may kakayahang makipaglaban: walong daang libo sa Israel at limandaang libo sa Juda.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.