2 Samuel 24

Sinabi niya kay Haring David ang bilang ng mga lalaki na may kakayahang makipaglaban: walong daang libo sa Israel at limandaang libo sa Juda.

2 Samuel 24:9 (UKJV) And Joab gave up the sum of the number of the people unto the king: and there were in Israel eight hundred thousand valiant men that drew the sword; and the men of Judah were five hundred thousand men.

7Pagkatapos, pumunta sila sa napapaderang lungsod ng Tiro, at sa lahat ng bayan ng mga Heveo at Cananeo, at sa kahuli-hulihan, nagpunta sila sa Beer-seba, sa timog ng Juda.

8Nalibot nila ang buong bansa sa loob ng siyam na buwan at dalawampung araw, at pagkatapos, bumalik sila sa Jerusalem.

9Sinabi niya kay Haring David ang bilang ng mga lalaki na may kakayahang makipaglaban: walong daang libo sa Israel at limandaang libo sa Juda.

10Nakonsensya si David, matapos niyang ipasensus ang mga tao. Kaya sinabi niya sa Panginoon, “Nagkasala po ako dahil sa ginawa ko. Kaya nakikiusap ako sa inyo, Panginoon, na patawarin nʼyo ako na inyong lingkod sa kasalanan ko, dahil isa pong kahangalan ang ginawa ko.”

11Hindi pa nakakabangon si David kinaumagahan nang sabihin ng Panginoon kay Gad na propeta ni David,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.