6Pumunta rin sila sa Gilead, sa Tatim Hodsi, sa Dan Jaan, at umikot sila papuntang Sidon.
7Pagkatapos, pumunta sila sa napapaderang lungsod ng Tiro, at sa lahat ng bayan ng mga Heveo at Cananeo, at sa kahuli-hulihan, nagpunta sila sa Beer-seba, sa timog ng Juda.
8Nalibot nila ang buong bansa sa loob ng siyam na buwan at dalawampung araw, at pagkatapos, bumalik sila sa Jerusalem.
9Sinabi niya kay Haring David ang bilang ng mga lalaki na may kakayahang makipaglaban: walong daang libo sa Israel at limandaang libo sa Juda.
10Nakonsensya si David, matapos niyang ipasensus ang mga tao. Kaya sinabi niya sa Panginoon, “Nagkasala po ako dahil sa ginawa ko. Kaya nakikiusap ako sa inyo, Panginoon, na patawarin nʼyo ako na inyong lingkod sa kasalanan ko, dahil isa pong kahangalan ang ginawa ko.”