2 Samuel 6

Nang papasok na ang Kahon ng Panginoon sa lungsod ni David, dumungaw sa bintana si Mical na anak ni Saul. Nakita niyang palukso-lukso at sumasayaw si Haring David sa presensya ng Panginoon, labis siyang nainis sa hari.

2 Samuel 6:16 (UKJV) And as the ark of the LORD came into the city of David, Michal Saul's daughter looked through a window, and saw king David leaping and dancing before the LORD; and she despised him in her heart.

14At sumayaw si David nang buong sigla sa presensya ng Panginoon na nakasuot ng efod na lino.

15Habang dinadala ni David at ng mga Israelita ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon, nagsisigawan sila at umiihip ng trumpeta.

16Nang papasok na ang Kahon ng Panginoon sa lungsod ni David, dumungaw sa bintana si Mical na anak ni Saul. Nakita niyang palukso-lukso at sumasayaw si Haring David sa presensya ng Panginoon, labis siyang nainis sa hari.

17Inilagay nila ang Kahon ng Panginoon sa loob ng toldang ipinatayo ni David para rito. Pagkatapos, nag-alay siya sa Panginoon ng mga handog na sinusunog at mga handog pangkapayapaan.

18Pagkatapos niyang maghandog, binasbasan niya ang mga tao sa pangalan ng Panginoon ng mga Hukbo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.