Mga Gawa 10

At sa kumot na ito, nakita niya ang lahat ng uri ng hayop, may lumalakad, may gumagapang sa lupa, at may lumilipad.

Acts 10:12 (UKJV) Wherein were all manner of four-footed beasts of the earth, and wild beasts, and creeping things, and fowls of the air.

10at gutom na siya, kaya gusto na niyang kumain. Ngunit habang inihahanda ang pagkain, nakakita siya ng pangitain mula sa Diyos.

11Nakita niyang bumukas ang langit at may ibinababa sa lupa na tila isang malaking kumot at nakatali ang apat na sulok nito.

12At sa kumot na ito, nakita niya ang lahat ng uri ng hayop, may lumalakad, may gumagapang sa lupa, at may lumilipad.

13Pagkatapos, may narinig siyang tinig na nagsasabi, “Pedro, tumayo ka! Magkatay ka at kumain.”

14Sumagot si Pedro, “Panginoon, hindi ko magagawa iyan dahil ni minsaʼy hindi ako kumain ng marumi o ipinagbabawal na pagkain.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.