Mga Gawa 10

Sumagot si Pedro, “Panginoon, hindi ko magagawa iyan dahil ni minsaʼy hindi ako kumain ng marumi o ipinagbabawal na pagkain.”

Acts 10:14 (UKJV) But Peter said, Not so, Lord; for I have never eaten any thing that is common or unclean.

12At sa kumot na ito, nakita niya ang lahat ng uri ng hayop, may lumalakad, may gumagapang sa lupa, at may lumilipad.

13Pagkatapos, may narinig siyang tinig na nagsasabi, “Pedro, tumayo ka! Magkatay ka at kumain.”

14Sumagot si Pedro, “Panginoon, hindi ko magagawa iyan dahil ni minsaʼy hindi ako kumain ng marumi o ipinagbabawal na pagkain.”

15Muling sinabi ng tinig, “Huwag mong ituring na marumi ang kahit anong bagay na nilinis na ng Diyos.”

16Tatlong beses naulit ang pangitain, at pagkatapos, hinila agad ang bagay na iyon papunta sa langit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.