Mga Gawa 11

Pagdating namin doon, ikinuwento ni Cornelio sa amin na may nakita siyang anghel sa loob ng kanyang bahay na nagsabi sa kanya, ‘Magsugo ka ng susundo kay Simon na tinatawag na Pedro, doon sa Jopa.

Acts 11:13 (UKJV) And he showed us how he had seen an angel in his house, which stood and said unto him, Send men to Joppa, and call for Simon, whose surname is Peter;

11“Nang mga oras ding iyon, dumating sa bahay na tinutuluyan ko ang tatlong lalaki na galing sa Cesarea. Inutusan sila na sunduin ako.

12Sinabi ng Espiritu sa akin na huwag akong mag-alinlangang sumáma sa kanila. At nang umalis na kami papunta sa bahay ni Cornelio sa Cesarea, sumáma sa akin itong anim na kapatid natin na taga-Jopa.

13Pagdating namin doon, ikinuwento ni Cornelio sa amin na may nakita siyang anghel sa loob ng kanyang bahay na nagsabi sa kanya, ‘Magsugo ka ng susundo kay Simon na tinatawag na Pedro, doon sa Jopa.

14Sasabihin niya sa iyo kung paano ka maliligtas at ang iyong buong sambahayan.’

15“Nang magsimula akong magsalita, napuspos sila ng Banal na Espiritu tulad din ng nangyari sa atin noon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.