12Sinabi ng Espiritu sa akin na huwag akong mag-alinlangang sumáma sa kanila. At nang umalis na kami papunta sa bahay ni Cornelio sa Cesarea, sumáma sa akin itong anim na kapatid natin na taga-Jopa.
13Pagdating namin doon, ikinuwento ni Cornelio sa amin na may nakita siyang anghel sa loob ng kanyang bahay na nagsabi sa kanya, ‘Magsugo ka ng susundo kay Simon na tinatawag na Pedro, doon sa Jopa.
14Sasabihin niya sa iyo kung paano ka maliligtas at ang iyong buong sambahayan.’
15“Nang magsimula akong magsalita, napuspos sila ng Banal na Espiritu tulad din ng nangyari sa atin noon.
16At naalala ko ang sinabi ng Panginoong Hesus: ‘Nagbautismo si Juan sa tubig, ngunit babautismuhan kayo sa Banal na Espiritu.’