Mga Gawa 11

At naalala ko ang sinabi ng Panginoong Hesus: ‘Nagbautismo si Juan sa tubig, ngunit babautismuhan kayo sa Banal na Espiritu.’

Acts 11:16 (UKJV) Then remembered I the word of the Lord, how that he said, John indeed baptized with water; but all of you shall be baptized with the Holy Spirit.

14Sasabihin niya sa iyo kung paano ka maliligtas at ang iyong buong sambahayan.’

15“Nang magsimula akong magsalita, napuspos sila ng Banal na Espiritu tulad din ng nangyari sa atin noon.

16At naalala ko ang sinabi ng Panginoong Hesus: ‘Nagbautismo si Juan sa tubig, ngunit babautismuhan kayo sa Banal na Espiritu.’

17Kaya ang nangyari sa kanila ay nagpapatunay na ang ibinigay ng Diyos sa ating mga Hudyo, nang sumampalataya tayo sa Panginoong Hesu-Kristo ay ibinigay din niya sa mga Hentil. At kung ganoon ang gusto ng Diyos, sino ba ako para hadlangan siya?”

18Nang marinig ito ng mga kapatid na Hudyo, hindi na nila binatikos si Pedro, sa halip ay nagpuri sila sa Diyos. Sinabi nila, “Kung ganoʼn, ibinigay din ng Diyos sa mga Hentil ang pagkakataong magsisi upang silaʼy mabuhay.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.