Mga Gawa 11

“Nang magsimula akong magsalita, napuspos sila ng Banal na Espiritu tulad din ng nangyari sa atin noon.

Acts 11:15 (UKJV) And as I began to speak, the Holy Spirit fell on them, as on us at the beginning.

13Pagdating namin doon, ikinuwento ni Cornelio sa amin na may nakita siyang anghel sa loob ng kanyang bahay na nagsabi sa kanya, ‘Magsugo ka ng susundo kay Simon na tinatawag na Pedro, doon sa Jopa.

14Sasabihin niya sa iyo kung paano ka maliligtas at ang iyong buong sambahayan.’

15“Nang magsimula akong magsalita, napuspos sila ng Banal na Espiritu tulad din ng nangyari sa atin noon.

16At naalala ko ang sinabi ng Panginoong Hesus: ‘Nagbautismo si Juan sa tubig, ngunit babautismuhan kayo sa Banal na Espiritu.’

17Kaya ang nangyari sa kanila ay nagpapatunay na ang ibinigay ng Diyos sa ating mga Hudyo, nang sumampalataya tayo sa Panginoong Hesu-Kristo ay ibinigay din niya sa mga Hentil. At kung ganoon ang gusto ng Diyos, sino ba ako para hadlangan siya?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.