Mga Gawa 7

“Pagkalipas ng apatnapung taon, nagpakita ang isang anghel kay Moises sa isang nagliliyab na mababang punongkahoy habang siyaʼy nasa ilang, malapit sa Bundok ng Sinai.

Acts 7:30 (UKJV) And when forty years were expired, there appeared to him in the wilderness of mount Sina an angel of the Lord in a flame of fire in a bush.

28Papatayin mo rin ba ako tulad ng ginawa mo sa Ehipsiyo kahapon?’

29Nang marinig ito ni Moises, tumakas siya at pumunta sa lupain ng Midian. Doon siya nanirahan bilang isang dayuhan at doon din isinilang ang dalawa niyang anak na lalaki.”

30“Pagkalipas ng apatnapung taon, nagpakita ang isang anghel kay Moises sa isang nagliliyab na mababang punongkahoy habang siyaʼy nasa ilang, malapit sa Bundok ng Sinai.

31Namangha si Moises sa kanyang nakita. Nang papalapit na siya para tingnan ito, narinig niya ang tinig ng Panginoon na nagsasabi,

32‘Ako ang Diyos ng iyong mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob.’ Nanginig si Moises sa takot at hindi na nangahas pang tumingin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.