Mga Gawa 7

Namangha si Moises sa kanyang nakita. Nang papalapit na siya para tingnan ito, narinig niya ang tinig ng Panginoon na nagsasabi,

Acts 7:31 (UKJV) When Moses saw it, he wondered at the sight: and as he drew near to behold it, the voice of the LORD came unto him,

29Nang marinig ito ni Moises, tumakas siya at pumunta sa lupain ng Midian. Doon siya nanirahan bilang isang dayuhan at doon din isinilang ang dalawa niyang anak na lalaki.”

30“Pagkalipas ng apatnapung taon, nagpakita ang isang anghel kay Moises sa isang nagliliyab na mababang punongkahoy habang siyaʼy nasa ilang, malapit sa Bundok ng Sinai.

31Namangha si Moises sa kanyang nakita. Nang papalapit na siya para tingnan ito, narinig niya ang tinig ng Panginoon na nagsasabi,

32‘Ako ang Diyos ng iyong mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob.’ Nanginig si Moises sa takot at hindi na nangahas pang tumingin.”

33“Sinabi ng Panginoon sa kanya, ‘Tanggalin mo ang iyong sandalyas, dahil ang lugar na kinatatayuan mo ay sagradong lupa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.