30“Pagkalipas ng apatnapung taon, nagpakita ang isang anghel kay Moises sa isang nagliliyab na mababang punongkahoy habang siyaʼy nasa ilang, malapit sa Bundok ng Sinai.
31Namangha si Moises sa kanyang nakita. Nang papalapit na siya para tingnan ito, narinig niya ang tinig ng Panginoon na nagsasabi,
32‘Ako ang Diyos ng iyong mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob.’ Nanginig si Moises sa takot at hindi na nangahas pang tumingin.”
33“Sinabi ng Panginoon sa kanya, ‘Tanggalin mo ang iyong sandalyas, dahil ang lugar na kinatatayuan mo ay sagradong lupa.
34Nakikita ko ang mga paghihirap na dinaranas ng aking bayan sa Ehipto, at naririnig ko rin ang kanilang mga hinaing. Kaya bumaba ako upang iligtas sila. Ngayon humanda ka, dahil isusugo kita sa Ehipto.’ ”