3Sinabi ng Diyos sa kanya, ‘Lisanin mo ang iyong lupain, ang iyong mga kamag-anak, at pumunta ka sa lugar na ipapakita ko sa iyo.’ ”
4“Kaya nilisan ni Abraham ang lupain ng Caldeo at doon siya nanirahan sa Haran. Pagkamatay ng kanyang ama, pinapunta siya ng Diyos sa lupaing ito na tinitirhan natin ngayon.
5Noong panahong iyon, wala pang ipinamana ang Diyos sa kanya kahit na kapirasong lupa. Ngunit nangako ang Diyos na ibibigay niya ang lupaing ito sa kanya at sa kanyang magiging lahi, kahit na wala pa siyang anak noon.
6Sinabi rin ng Diyos sa kanya, ‘Maninirahan sa ibang bansa ang iyong lahi. Gagawin silang mga alipin doon at pagmamalupitan sa loob ng 400 taon.
7Ngunit paparusahan ko ang bansang aalipin sa kanila. Pagkatapos, lilisanin nila ang bansang iyon at babalik sa lugar na ito, at sasambahin nila ako dito.’