Mga Gawa 9

Araw-gabi nilang inaabangan si Saulo sa mga pintuan ng lungsod upang patayin. Ngunit may nakapagsabi kay Saulo tungkol sa plano nila.

Acts 9:24 (UKJV) But their laying await was known of Saul. And they watched the gates day and night to kill him.

22Lalo pang naging makapangyarihan ang pangangaral ni Saulo. At hindi makasagot sa kanya ang mga Hudyo sa Damasco nang patunayan niyang si Hesus ang Mesias.

23Pagkalipas ng ilang araw, nagtipon ang mga Hudyo at nagplanong patayin si Saulo.

24Araw-gabi nilang inaabangan si Saulo sa mga pintuan ng lungsod upang patayin. Ngunit may nakapagsabi kay Saulo tungkol sa plano nila.

25Kaya isang gabi inilagay siya ng ibang mga alagad sa malaking tiklis at ibinaba sa labas ng pader ng lungsod.

26Pagdating ni Saulo sa Jerusalem, gusto niya sanang makisalamuha sa mga alagad ni Hesus, pero takot sila sa kanya. Hindi sila naniniwala na siyaʼy alagad na rin ni Hesus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.