Amos 1

Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Edom: “Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga taga-Edom, parurusahan ko sila. Sapagkat tinugis nila ang kanilang mga kamag-anak na mga Israelita at walang awang pinatay. Hinding-hindi mawawala ang kanilang galit sa mga Israelita.

Amos 1:11 (UKJV) Thus says the LORD; For three transgressions of Edom, and for four, I will not turn away the punishment thereof; because he did pursue his brother with the sword, and did cast off all pity, and his anger did tear perpetually, and he kept his wrath for ever:

9Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Tiro: “Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga taga-Tiro, parurusahan ko sila. Sapagkat ipinagbili nila ang lahat ng naninirahan sa mga bayan bilang mga alipin sa Edom. Hindi nila sinunod ang kanilang kasunduang pangkapatiran sa mga mamamayang ito.

10Kaya susunugin ko ang mga pader ng Tiro at ang matitibay na bahagi ng lungsod nito.”

11Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Edom: “Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga taga-Edom, parurusahan ko sila. Sapagkat tinugis nila ang kanilang mga kamag-anak na mga Israelita at walang awang pinatay. Hinding-hindi mawawala ang kanilang galit sa mga Israelita.

12Kaya susunugin ko ang Teman at ang matitibay na bahagi ng Bosra.”

13Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Amon: “Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga Amonita, parurusahan ko sila. Sapagkat nilaslas nila ang tiyan ng mga buntis sa Gilead nang salakayin nila ito, upang mapalawak ang kanilang lupain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.