1Kayong mga taga-Israel, na ang mga ninuno ay inilabas ng Panginoon sa Ehipto, pakinggan ninyo ang sasabihin niya laban sa inyo:
2“Sa lahat ng bansa sa buong mundo, kayo lamang ang aking pinili na maging mga mamamayan ko. Kaya parurusahan ko kayo dahil sa lahat ng inyong mga kasalanan.”
3Maaari bang magsama sa paglalakbay ang dalawang tao kung hindi sila magkasundo?