Amos 3

“Sa lahat ng bansa sa buong mundo, kayo lamang ang aking pinili na maging mga mamamayan ko. Kaya parurusahan ko kayo dahil sa lahat ng inyong mga kasalanan.”

Amos 3:2 (UKJV) You only have I known of all the families of the earth: therefore I will punish you for all your iniquities.

1Kayong mga taga-Israel, na ang mga ninuno ay inilabas ng Panginoon sa Ehipto, pakinggan ninyo ang sasabihin niya laban sa inyo:

2“Sa lahat ng bansa sa buong mundo, kayo lamang ang aking pinili na maging mga mamamayan ko. Kaya parurusahan ko kayo dahil sa lahat ng inyong mga kasalanan.”

3Maaari bang magsama sa paglalakbay ang dalawang tao kung hindi sila magkasundo?

4Umaatungal ba ang leon sa kagubatan kung wala siyang mabibiktima? Aatungal ba siya sa loob ng kanyang yungib kung wala siyang nahuli?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.