1Pakinggan ninyo ito, mga babae sa bundok ng Samaria na parang mga pinatabang baka ng Bashan. Ginigipit ninyo ang mga dukha at inaapak-apakan ang mga nangangailangan. Inuutusan pa ninyo ang inyong asawa, “Dalhan mo pa kami ng maiinom!”
2Sumusumpa ang Makapangyarihang Panginoon sa kanyang kabanalan: “Tiyak na darating ang araw na kakaladkarin kayo bilang mga bihag na tulad ng mga isdang nabingwit.
3Palalabasin nila kayo sa inyong lungsod sa pamamagitan ng mga siwang ng inyong gumuhong pader, at dadalhin nila kayo sa lupain ng Harmon,” sabi ng Panginoon.