9Agad niyang winawasak ang matitibay na napapaderang bayan, at dinudurog ang napapaderang lungsod.
10Kayong mga taga-Israel, napopoot kayo sa humahatol nang tama at nagsasabi ng totoo sa hukuman.
11Inaapi ninyo ang mga mahihirap at pinipilit na magbigay sa inyo ng kanilang ani. Kaya hindi kayo makakatira sa ipinatayo ninyong mansyong bato, at hindi kayo makakainom ng katas mula sa itinanim ninyong mga ubas.
12Sapagkat alam ko kung gaano karami at kabigat ang inyong mga kasalanan. Inuusig ninyo ang mga taong walang kasalanan at kinikikilan pa ninyo. Hindi ninyo binibigyan ng hustisya sa hukuman ang mga mahihirap.
13Dahil naghahari ngayon ang kasamaan, ang marurunong ay tumatahimik na lang.