16Kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo: “Darating ang araw na maririnig ang mga iyakan at panaghoy sa mga plasa at mga lansangan. Ipapatawag ang mga magsasaka upang umiyak sa mga patay kasama ng mga taong inupahan upang umiyak.
17May mga iyakan din sa inyong mga taniman ng ubas. Mangyayari ito dahil parurusahan ko kayo,” sabi ng Panginoon.
18Nakakaawa kayong naghihintay sa araw ng paghatol ng Panginoon. Huwag ninyong isipin na araw iyon ng inyong kaligtasan. Sapagkat iyon ang araw na parurusahan kayo.
19Para kayong taong nag-aakalang ligtas na siya dahil nakatakas siya sa leon, pero nasalubong naman niya ang oso. O di kayaʼy nag-aakalang ligtas na siya dahil nasa loob na siya ng kanyang bahay, ngunit nang isinandal niya ang kanyang kamay sa dingding, tinuklaw ito ng ahas.
20Tiyak na darating ang araw ng paghatol ng Panginoon at itoʼy magdudulot ng kaparusahan at hindi kaligtasan; katulad ito ng dilim na walang liwanag kahit kaunti man lang.