Amos 5

Tigilan na ninyo ang maingay ninyong awitan. Ayokong makinig sa tugtog ng inyong mga alpa.

Amos 5:23 (UKJV) Take you away from me the noise of your songs; for I will not hear the melody of your viols.

21Sinabi ng Panginoon sa mga Israelita, “Napopoot ako sa inyong mga pista; hindi ako nalulugod sa inyong ginagawang pagtitipon.

22Kaya kahit dalhan pa ninyo ako ng sari-saring handog, kahit pa ang pinakamabuting handog pangkapayapaan ay hindi ko tatanggapin.

23Tigilan na ninyo ang maingay ninyong awitan. Ayokong makinig sa tugtog ng inyong mga alpa.

24Sa halip, nais kong makita na pinapairal ninyo ang katarungan at ang katuwiran na parang ilog na patuloy na umaagos.

25“Mga mamamayan ng Israel, noong nasa ilang ang inyong mga ninuno sa loob ng apatnapung taon, naghandog ba sila sa akin? Hindi!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.