22Kaya kahit dalhan pa ninyo ako ng sari-saring handog, kahit pa ang pinakamabuting handog pangkapayapaan ay hindi ko tatanggapin.
23Tigilan na ninyo ang maingay ninyong awitan. Ayokong makinig sa tugtog ng inyong mga alpa.
24Sa halip, nais kong makita na pinapairal ninyo ang katarungan at ang katuwiran na parang ilog na patuloy na umaagos.
25“Mga mamamayan ng Israel, noong nasa ilang ang inyong mga ninuno sa loob ng apatnapung taon, naghandog ba sila sa akin? Hindi!
26At ngayon ay buhat-buhat ninyo si Sakut, ang diyos-diyosang itinuturing ninyong hari, at si Kaiwan, ang diyos-diyosan ninyong bituin. Ginawa ninyo itong mga imahen para sambahin.