Amos 6

Kahabag-habag kayong nag-aakala na hindi darating sa inyo ang araw ng pagpaparusa. Dahil sa ginagawa ninyong kasamaan, lalo ninyong pinapadali ang araw na iyon na maghahari ang karahasan.

Amos 6:3 (UKJV) All of you that put far away the evil day, and cause the seat of violence to come near;

1Nakakaawa kayong mga pinuno ng Zion at Samaria na nagpapasarap sa buhay at walang pakialam. Itinuturing ninyo ang inyong mga sarili na mararangal na tao ng nangungunang bansa, at sa inyo nagtitiwala ang inyong mga mamamayang nangangailangan.

2Tingnan ninyo kung ano ang nangyari sa lungsod ng Calne, ang malaking lungsod ng Hamat, at ang lungsod ng Gat sa Filistia. Mas makapangyarihan ba kayo kaysa sa mga kahariang iyon? Mas malawak ba ang inyong lupain kaysa sa kanila?

3Kahabag-habag kayong nag-aakala na hindi darating sa inyo ang araw ng pagpaparusa. Dahil sa ginagawa ninyong kasamaan, lalo ninyong pinapadali ang araw na iyon na maghahari ang karahasan.

4Kahabag-habag kayong mga pahiga-higa lang sa inyong mga mamahaling kama at nagpapakabusog sa masasarap na pagkaing karne ng batang tupa at ng pinatabang guya.

5Kahabag-habag kayong mga kumakatha ng mga awit habang tumutugtog ng alpa at mahilig tumugtog ng mga tugtugin katulad ni David.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.