3Kahabag-habag kayong nag-aakala na hindi darating sa inyo ang araw ng pagpaparusa. Dahil sa ginagawa ninyong kasamaan, lalo ninyong pinapadali ang araw na iyon na maghahari ang karahasan.
4Kahabag-habag kayong mga pahiga-higa lang sa inyong mga mamahaling kama at nagpapakabusog sa masasarap na pagkaing karne ng batang tupa at ng pinatabang guya.
5Kahabag-habag kayong mga kumakatha ng mga awit habang tumutugtog ng alpa at mahilig tumugtog ng mga tugtugin katulad ni David.
6Kahabag-habag kayong malalakas uminom ng alak at gumagamit ng mamahaling pabango, ngunit hindi nagdadalamhati sa sasapiting pagbagsak ng inyong bansa.
7Kaya kayong mga pinuno ang unang bibihagin at matitigil na ang inyong mga pagpipista at pagwawalang-bahala.