5Kahabag-habag kayong mga kumakatha ng mga awit habang tumutugtog ng alpa at mahilig tumugtog ng mga tugtugin katulad ni David.
6Kahabag-habag kayong malalakas uminom ng alak at gumagamit ng mamahaling pabango, ngunit hindi nagdadalamhati sa sasapiting pagbagsak ng inyong bansa.
7Kaya kayong mga pinuno ang unang bibihagin at matitigil na ang inyong mga pagpipista at pagwawalang-bahala.
8Sumumpa ang Makapangyarihang Panginoon, ang Panginoong Diyos ng mga Hukbo. Sinabi niya, “Kinamumuhian ko ang pagmamataas ng mga lahi ni Jacob, at kinasusuklaman ang matitibay na bahagi ng kanilang lungsod. Kaya ipapasakop ko sa kaaway ang kanilang lungsod at ang lahat ng naroroon.”
9Kung may sampung tao na matitira sa isang bahay, lahat sila ay mamamatay.